Tuesday, January 12, 2021

Si Enola bilang inspirasyon sa pelikula

Dahil sa pandemic, marahil isa ang panonood ng pelikula sa pinagkakaabalahan ng ilang mga kabataan bukod sa pagdalo sa online class. Tulad nila, may mga pagkakataon ding nababad ako sa panonood ng mga pelikula. Minsan naman ay ginugugol ko ang aking oras sa pagbabasa ng mga nobela.

 

Habang kausap ko ang ilan sa aking mga kaibigan, I came across a good movie entitled “Enola Holmes.” Inirekomenda rin ito ng aking kaibigan na siyang adik sa Netflix at sinabi pa niya, “if you want to watch a good movie, try and watch Enola Holmes, Marco.”

 

Masasabi kong maganda nga ang pelikula sa unang tingin pa lamang. Bukod sa poging aktor na si Henry Cavill at ang iniidolo kong si Helena Bonham Carter, interesado rin ako dahil sinubaybayan ko rin ang magaling na detective na si Sherlock Holmes. 

 

Mula sa kaliwa: Sherlock Holmes, Eudoria Holmes, Enola Holmes, Mycroft Holmes


Tungkol saan ang pelikula?


Babala: Sa mga nais magpatuloy sa pagbabasa, ang post na ito ay may spoilers tungkol sa pelikulang Enola Holmes (2020). 😊

 

Sa unang beses na makita o marinig mo ang pamagat ng pelikula, marahil unang pumasok sa iyong isipan ang tanong na, “kaano-ano kaya ito ni Sherlock Holmes?

 

Si Enola Holmes ay isa sa mga kapatid ni Sherlock Holmes. Siya ay lumaki kasama ang kanyang ina sa kanayunan at bihira na niyang makita ang kanyang mga kapatid mula nang sila ay umalis sa poder ng kanilang ina. Lumaking matalino si Enola at masasabing hindi “angkop” sa kanyang kasarian ang mga natutunan niya sa kanyang ina, tulad na lamang ng pagsasanay ng jiu jutsu. Isang umaga, sa araw ng kanyang kaarawan, bigla na lamang nawala ang kanyang ina. Nag-iwan ito ng isang regalo para sa kanya na isa palang clue kung nais niyang hanapin ito.


Dahil sa pagkawala ng kanyang ina, umuwi ang dalawa niyang kapatid na sina Mycroft at Sherlock. Nakita nilang iba si Enola kung ikukumpara sa mga kababaihang nasa kanyang edad. Dahil dito, napagpasiyahan ni Mycroft na pag-aralin si Enola sa isang finishing school kung saan itinuturo ang iba’t ibang social graces upang ihanda ang mga kababaihan sa pagpasok sa lipunan. 


Enola at Sherlock sa finishing school

Masasabing patriyarkal ang pag-iisip ni Mycroft—isang katangian na madalas mong makikita sa mga kalalakihan noong kapanahunan, at posibleng pati na rin sa mga mayayamang pamilya sa ating lipunan ngayon. Hindi ito ang nais gawin ni Enola kaya’t naisipan niyang lumayas at hanapin ang kanyang ina, na nalaman niyang lumahok pala ito sa isang feminist movement

 

Dahil sa paglalayas na ito, nakilala ni Enola si Tewkesbury, isang lalaking mula sa mayamang pamilya. Maraming isyu ang nakapalibot sa lalaking ito na kanya namang tinulungan habang hinahanap ang kanyang ina. Hindi ko na i-e-elaborate pa at irerekomenda ko na lamang na panoorin mo ang pelikula.

 

Viscount Tewkesbury (ang pogi ay)

 

Bakit magandang panoorin ang pelikulang ito?

 

Ang pinakatumatak sa akin ay ang mga katagang binitiwan ni Edith, isa ring miyembro ng feminist movement, nang makausap niya si Sherlock Holmes:

 


You don’t know what it is to be without power. Politics doesn’t interest you because you have no interest in changing a world that suit you well.

—Edith (Enola Holmes 2020)

 

Bato-bato sa langitKaramihan sa mga tao, hindi lamang tungkol sa isyu ng peminismo, ay may ganitong attitude. Kung hindi mo nararanasan ay hindi ka magrereklamo. Kung hindi ka naaagrabyado ay hindi ka aakto. Sa kasong ito ni Sherlock Holmes, hindi niya lubos maisip kung bakit iniwan ng kanyang ina si Enola para sa organisasyong ito kaya naman naisip rin niyang hanapin ang kanyang ina. Masasabing patriyarkal din ang pag-iisip na ito ni Sherlock Holmes.

 

Ipinahihiwatig ng mga salitang ito na walang naitutulong ang pagiging passive pagdating sa pulitika. Ika nga nila, “neutrality helps the oppressor, never the victim.”

 

Marami pang nais ipunto ang pelikula. Pinili ko ang Enola Holmes (2020) dahil masasabing si Enola ay isang karakter na may mga katangiang karaniwan mong makikita sa lalaking main character—matalino, nakikipaglaban, at may inililigtas na isang damsel in distress (sa kaso ni Enola, ito ay si Tewkesbury).   


Isa pang magandang katangian ng pelikula ay makikita sa wakas nito. Hindi ito isang pelikula na nauuwi sa love story at nagtatapos sa tipikal na kissing scene. Makikita sa katapusan ng pelikula na ninais ni Enola na hanapin ang kanyang sarili, isang magandang mensahe na hindi lamang sa lalaki umiikot ang kanyang kwento. Good plot, amazing characters. 10/10.

Tingin ko naman ay hindi na dapat gawing basehan ang kasarian sa panahong ito. Marami nang bagay ang nabago ng panahon ngunit hindi pa rin maiwasan ang diskriminasyon. Minsan ay mapapaisip ka na lamang talaga kung kailan ba maliliwanagan ang mga tao tungkol sa ganitong bagay, o kaya naman ay magtataka ka kung ano ang pumapasok sa isip ng mga ganitong klase ng tao. 

Anyway, iyon lamang para sa blog na ito. Ang pogi mo, Henry Cavill! Heart heart ðŸ’•




Thursday, August 9, 2018

The Way We Deal with Stress


“Par, bagsak na ata ako.”
“Ibang iba talaga ang senior high sa junior high.”
“Ang dami naming gagawin.”
“’Uy, paturo! Hindi ko na-gets eh.”
These are some of the lines that we often hear from senior high school students. Aside from a stressful day from school, we go home exhausted and do our homework and projects until dawn. Having an 8-hour sleep in a weekend is very, very rare. Most students spend time on social media—usually on twitter—ranting about the pile of school works because of the stress that it gives us, but how are we really supposed to deal with stress?
One of the essential characteristics that a student must possess is to be able to manage time wisely and productively. By doing this, not only would we be able to finish our tasks properly, but time management also gives us a lead to what we are going to do next and keeps the flow of our tasks in order.
In some cases, we think positive to help us be motivated in doing our homework. Though some may disagree, thinking positive thoughts could help some people be more productive.
When it comes with the ways of coping with stress, every student has a different way: some eat food, others listen to music, and some sleep. However, we must also know that not every way is good for our health. We must be careful when it comes to dealing with stress since some could cause health problems.
We know that the school should not be treated as our world—we do not only focus on getting high grades. We should always remember to have fun as we discover more about different things. Above all else, we must enhance our discipline and strengthen our relationships with others—be it as a friend, classmate, child, or student—and of course, with God.